STATE OF THE NATION ADDRESS
OF HIS EXCELLENCY
PRESIDENT BENIGNO S. AQUINO III
15th Congress of the Philippines
Session Hall of the House of Representatives
Batasan Pambansa Complex, Quezon City
July 26, 2010
(As delivered)
PRESIDENT BENIGNO S. AQUINO III
15th Congress of the Philippines
Session Hall of the House of Representatives
Batasan Pambansa Complex, Quezon City
July 26, 2010
(As delivered)
Maraming salamat po. Maupo po tayong lahat.
Speaker Feliciano Belmonte; Senate President Juan Ponce Enrile; Vice President Jejomar Binay; Chief Justice Renato Corona; Former Presidents Fidel Valdez Ramos and Joseph Ejercito Estrada; members of the House of Representatives and the Senate; distinguished members of the diplomatic corps; my fellow workers in government;
Mga minamahal kong kababayan:
Sa bawat sandali po ng pamamahala ay nahaharap tayo sa isang sangandaan.
Sa isang banda po ay ang pagpili para sa ikabubuti ng taumbayan. Ang pagtanaw sa interes ng nakakarami; at pagkapit sa prinsipyo; at ang pagiging tapat sa sinumpaan nating tungkulin bilang lingkod-bayan. Ito po ang tuwid na daan.
Sa kabilang banda ay ang pag-una sa pansariling interes. Ang pagpapaalipin sa pulitikal na konsiderasyon, at pagsasakripisyo ng kapakanan ng taumbayan. Ito po ang baluktot na daan.
Matagal pong naligaw ang pamahalaan sa daang baluktot. Araw-araw po, lalong lumilinaw sa akin ang lawak ng problemang ating namana. Damang-dama ko ang bigat ng aking responsibilidad.
Sa unang tatlong linggo ng aming panunungkulan, marami po kaming natuklasan. Nais ko pong ipahayag sa inyo ang iilan lamang sa mga namana nating suliranin at ang ginagawa naming hakbang para lutasin ang mga ito.
Sulyap lamang po ito; hindi pa ito ang lahat ng problemang haharapin natin. Inilihim at sadyang iniligaw ang sambayanan sa totoong kalagayan ng ating bansa.
- - - - -
Read and download the complete file at:
http://www.scribd.com/doc/34910005/State-of-the-Nation-Address-Pres-Benigno-S-Aquino-III
Image credit:
http://usaptayokaibigan.blogspot.com/2010/07/first-sona-of-p-noy.html
No comments:
Post a Comment